Biyernes, Agosto 24, 2012

Unang HAkbang Patungo sa Minimithing Paglaya


May mga bagay sa mundo na minsan kahit gaano mo kagusto o kahit gaano mo ito hilingin na mapasayo eh hinding hindi mangyayari, maaring minsan ipapahiram siya sayo pero para sa sandaling panahon lamang yun. Isang bagay na natutunan ko ngayon ay kung paano mo sasanayin ang sarili mo na wag masyadong magpadala sa agos ng mga bagay na alam mong kahit kealan ay impossibleng mangyari. akala ko noon magiging madali sakin ang lahat akala ko noon sa isang pagpikit lang ng aking mga mata magiging ayos ang lahat pero nagkamali ako! ganun pala kasakit ganun pala ka hirap yung alam mong tapos na yung alam mong kahit anung gawin mo talo ka na!!

Naandito ako ngayon sa sitwasyon kung saan pinipilit kong maging okay at maging malakas para sa aking sarili ipinangako kong hinding hindi ako iiyak„ hinding hindi niya ko makikitang nahihirapan. Patuloy kong binubuhay ang sarili ko sa isang kasinungalingan sa isang pangarap sa isang pagasa na isang araw eh matutunan niya rin akong pahalagahan. Aminado ako isa akong malaking Tanga, isang malaking Bobo. Ilang beses ko nang pinilit ang sarili kong lumayo at maghanap ng isang taong ako naman ang aalagaan yung ako naman ang iisipin pero sa twing makikita ko siya sa twing maririnig ko ang boses niya para akong isang retarded na babalik at babalik sa kanya.

Minsan iniisip ko kahit konti kaya naisip niya yung hirap na pinag dadaanan ko? Naisip niya bang kahit minsan eh sabihin saking tama na o huminto na? Hindi ko alam kung sinasadja niya o kung manhid siya at walang pakiramdam na nasasaktan na ako o sadjang wala lang ciang pakialam sa  akin at sa kung anung mararamdaman ko. Napakahirap maglakad pasulong lalo na kung sa bawat hakbang mo eh kasabay mo siya, kung sa bawat hakbang mo maririnig mo ang boses niya tinatawag ka o ang mata niyang nakatingin sayo.

I did things that i never did sa iba, i sacrifice things na di ko naman talaga ginagawa, nagpapakumbaba ako kahit alam kong hindi ako ang maykasalan kasi mahal ko siya kasi ayaw kong mawala siya sa buhay ko. Pero sa panahon na to hindi na ako papayag na harap harapan na niyang iparamdam sakin na isa akong malaking laruan, isang bagay na pag ayaw mo na eh basta mo na lang iiwan at itatapon. Napakahirap ngumiti lalo na pag nasasaktan! Napaka hirap sabihin okay lang ang lahat lalo na’t di mo na kaya.

Dumarating ako sa punto na gusto ko na siyang tanungin o gusto ko na siyang konfrontahin at tanungin kung anu ba talaga ako sa buhay niya pero natatakot ako kasi alam ko na naman na ang sagot. Dumating na marahil ako sa punto na kahit mahal na mahal ko siya eh mas mahal ko ang sarili ko na kahit mahal na mahal ko siya hindi ko na kaya pang tagalan ang sakit at ang pasakit ng mga bagay bagay!

Nakakalungkot, Nakakasawa, Nakakapanghina at higit sa lahat Nakakapagod! nakakapagod maging tanga nakakapagod maging manyika, nakakapagod umiyak, nakakapagod gumawa ng efforts, nakakapagod ipagsawalang bahala. Alam kong mahirap alam kong isang matagal na processo ang aking pagdadaanan pero handa na ako! Handa na akong lumaya, Handa na kong hanapin muli ang aking sarili at magsimula ng panibagong yugto sa aking buhay. Alam kong hindi madali pero kung di ko sisimulan ngayon kelan pa? Kung di ko susubukan ngayon kelan pa?

Ayokong umabot kame sa posisyon na kung saan kinamumuhian na naming ang isat isa at sa punto na ang pakikipag usap o ang pagtingin lamang sa kanyang mata ay isang malaking pagsubok. Matalino ako at alam kong hindi habang buhay eh maitatago sakin ang katutuhanan. Hindi ako manhid kaya alam ko kung alin ang totoo sa hindi, may dignidad ako kaya di ko hahayan unti unti maubos ang aking pride, Mapagmahal ako kaya di ko pwedeng hayaang dumating sa punto na ipagdadamot ko na ang pagmamahal. Alam kong may plano ang Diyos para sakin! Alam kong mabait ang Diyos at alam kong ginagawa niya lamang to para palakasin ako at ipakita sakin na hindi naman mahalaga kung anu ka o sinu ka ang mahalaga eh kung paano ka nagmahal ng boung puso.

Sa bawat pag patak ng aking luha, sa bawat pag buhos ng ulan sa aking mundo alam kong may aakibat itong ngiti at alam kong sisiskat din ang araw. Marahil itinapon ako at pinaglaruan, iniwan at sinaktan pero alam kong may darating na pupulot sakin at aalagaan ako at tutulungan kalimutan ang hapdi ng nakaraan. Lalaya si Inday! Sa pamamagitan ng maliliit na hakbang alam kong lalaya na ako. At darating ang araw na tuluyan kong malilipad ang himpapawid patungo sa inaasam asam na pagibig…

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento